19.7 C
Baguio City
Sunday, September 22, 2024
spot_img

Clearing Operations, isinagawa ng mga kawani ng Provincial Government ng Pampanga City

Humigit kumulang isang libong metrong kanal sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue at Lazatin Boulevard sa siyudad ng San Fernando ang nabuksan at nilinis ng provincial government na ginanap nito lamang ika-19 ng Setyembre 2024.

Ito ay isinagawa sa derektiba ni Governor Dennis “Delta” Pineda, at sa pinagsamang pwersa ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Provincial Engineering Office (PEO), General Services Office (GSO) sa pamamagitan ng Clearing Operations sa nasabing lungsod.

Sa loob ng tatlong linggong paglilinis ay nasa higit 670 metro ang nalinis nak anal sa kahabaan ng JASA (mula sa kanto ng Jollibee papuntang Nortwalk), 752 metro naman sa kahabaan ng Lazatin Boulevard (mula Safer Village papuntang Villa Del Sol), at sa karagdagang 50 metro din sa kabilang daan ng JASA sa hanay ng Green City.

Layunin ng naturang aktibidad ay upang maiwasan ang pagbaha, mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng komunidad, masiguro ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang mga aksidente o panganib na dulot ng baradong kanal.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles