Sa unang pagkakataon, matapos ipagbawal sa publiko ng halos isang dekada ang lumang campus ng Bayambang Central School na nasa kahabaan ng Magsaysay St. Bayambang, Pangasinan, muli itong inokupa ng LGU-Bayambang nito lamang ika- 11 ng Oktubre 2023 matapos magdesisyon si Presiding Judge Magnolia V. Cayetano ng Region I Trial Court na ibalik ang ownership nito sa LGU Bayambang.
Bagamat hindi pa tapos ang kaso, ipinag-utos agad ni Hon. Niña Jose-Quiambao, Municipal Mayor ng Bayambang, Pangasinan na magtutulung-tulong ang mga iba’t ibang departamento at ahensya ng Bayambang LGU upang baklasin ang mga nakaharang na yero at alisin lahat ng mga nakahambalang sa masusukal na parte ng abandonadong establisyimento upang ito ay malinisan at muling maibalik ang dating maaliwalas na itsura nito.
Nagbubunyi ang buong bayan ng Bayambang sa pinakahuling desisyong ito ng korte.
Source: Balon Bayambang LGU