Nagsagawa ng Clearing Operation ang City Engineering and Architectural Services (EAS) sa nangyaring mudslide sa kalsada ng Purok 3, Narra Oeste, San Fernando City, La Union nito lamang Linggo, Ika-04 ng Setyembre 2022.
Ayon sa City Government ng San Fernando City, La Union, tuluyan nang nalinis ang nasabing lugar ngunit patuloy pa rin ang pagbabantay para sa posibleng pagkakaroon muli ng mudslide dahil sa inaasahang pagbugso ng ulan.
Ayon pa sa City Government ng San Fernando City, La Union, na patuloy pa rin na maging alerto ang mga residente sa nasabing lugar.
Ang City Government ng San Fernando City, La Union ay palaging handang tumulong sa anumang oras at panahon tungo sa ligtas na pamayanan.