Nagsagawa ng Clearing and declogging ng drainage canals ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng San Fernando sa iba’t ibang barangay nito lamang Miyerkules, ika-16 ng Abril, 2025
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng Infrastracture at Enviromental and Manangement Protection agenda ni Hon. Vilma Balle-Caluag, Mayor ng naturang lungsod.
Nagtulong-tulong ang mga kawani ng gobyerno sa pagtatanggal ng mga bara at basura sa mga drainage at creek sa naturang lugar.
Layunin ng aktibidad ay upang maiwasan ang pagbaha sa mga kalsada at kabahayan, lalo na tuwing tag-ulan. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga bara tulad ng basura, putik, at iba pang dumi, napapanatili ang maayos na daloy ng tubig sa mga kanal.
Bukod dito, nakatutulong din ito sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at sa pag-iwas sa mga sakit na dulot ng maruming tubig at mga insektong gaya ng lamok.
Patuloy na isasagawa ng pamahalaan ang ganitong mga programa upang maihatid ang de-kalidad na serbisyo, lalo na sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

