Nagsagawa ng Cleaning Operations ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa mga pampublikong lugar nito lamang Linggo, ika-13 ng Agosto 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Environmental Management System sa pamumuno ni Engineer Donato Dizon, City Engineer.
Nagtulungan sa pagwawalis at pagtatanggal sa mga nakatambak na basura sa naturang lugar.
Layunin nito na mapanatili ang kalinisan ng lungsod at maging ligtas para sa mga mamamayan.