Pinangunahan ang Cleaning Operation ng Angeles City Environmental Management System sa mga pampublikong palengke ng San Nicolas at kahabaan ng Sto. Rosario Street ng Angeles City nito lamang Sabado, ika-22 ng Hulyo 2023.
Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang mga tauhan ng Angeles City Environmental Management System sa pagpapanatili ng kalinisan sa nasabing lugar.
Hinakot ng mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ang mga nakatambak at nakakalat na basura sa kanilang nasasakupan upang mabawasan ang polusyon na hatid ng basura.
Sinisiguro ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City na patuloy ang pagpapanatili ng kalinisan at makikiisa sa pangangalaga ng kalinisan sa kanilang lugar.