Pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang isinagawang Clearing Operations sa mga pampublikong lugar ng Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-3 ng Nobyembre 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor, Tarlac City. Naging malinis ang lungsod sa pamamagitan ng pagwawalis at pagtatanggal ng mga nakatambak na basura sa mga pampublikong lugar.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa kanilang nasasakupan.