Nagsagawa ng regular cleaning operation ang mga tauhan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa pampublikong pamilihan nito lamang Linggo, ika-9 ng Hulyo 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Angeles City Environmental Management System sa pamumuno ni Engineer Donato Dizon, City Engineer.
Matagumpay na nalinis ang lugar sa pamamagitan ng pagwawalis at paghakot ng mga nakatambak na basura.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga pampublikong lugar upang maging ligtas sa mga turista at mga lokal na mamamayan.