Isinagawa ang clean-up drive para sa “Regenerative” Tourism sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, kabilang na ang mga tourist destination ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism Month nitong buwan ng Setyembre.
Isinusulong ang nasabing aktibidad taon-taon ng Provincial Tourism Office sa pakikipag-ugnayan sa Cagayan Tourism Officers Association at iba’t ibang Municipal Tourism Officers (MTOs) ng mga bayan sa lalawigan.
Samantala, ang mga bayan na nagsagawa ng kani-kanilang clean-up drive ay ang Sta. Teresita, Piat, Pamplona, Allacapan, Buguey, Sta. Ana, Sanchez Mira, Buguey, Rizal, Sta. Praxedes, at Ballesteros. Inaasahan naman ang pagsasagawa ng aktibidad sa iba pang mga bayan.
Isinagawa rin ang clean-up sa mga PGC tourist area gaya ng Provincial Farm School and Agri-tourism Center sa Amulung, Nassiping Eco-tourism site, Cagayan Animal Breeding Center sa Zitanga Ballesteros, Callao Caves sa Penablanca, Capitol Pavilion sa Sub-capitol, Lallo, at Cagayan Museum.
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ay ang pagtatanim ng mga puno, partikular ang bamboo, paglilinis sa paligid, clean-up drive sa coastal areas, at iba pa.
Nakilahok naman ang MTOs, mga opisyal at empleyado ng LGUs, barangay officials, iba’t ibang government agencies, at iba pang stakeholders sa clean-up drive activities.
Source: CPIO