Pinangunahan ng mga Barangay Officials ng Sitio Barbarit, Brgy. San Pedro, sa pamumuno ni Brgy. Captain Ernie Molina ang pagsasagawa ng Community Clean-up sa kapaligiran ng nasabing barangay lalong-lalo na sa nasasakupang dalampasigan.
Lumahok ang karamihan ng mga residente sa nasabing aktibidad bilang suporta sa programang kalinisan at pagpapaganda ng barangay.
Pagkatapos ng paglilinis ay nagpamahagi naman ang Lokal ng Pamahalaan ng Narvacan ng mga Food Packs para sa mga nakilahok na residente.
Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan nina Narvacan Mayor Pablito Sanidad at MSWDO Pauline Cabunoc.
Source: Narvacan Naisangsangayan
Panulat ni Malayang Kaisipan