17.3 C
Baguio City
Tuesday, March 4, 2025
spot_img

Clean-up Drive, isinagawa sa Bulacan

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga Barangay Officials sa paaralan ng City of Malolos Senior High School sa Brgy. Guinhawa, Malolos, Bulacan nito lamang Sabado Marso 1, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Paul Richard Conception, Punong Brgy. katuwang ang mga Youth Scholars at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ng nasabing barangay.

Nagkaisa ang bawat isa sa pagpulot, pagwawalis, at pagtatanggal ng basura sa paaralan bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at pagkakaisa ng komunidad.

Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin ang mga mag-aaral at residente na mapanatili ang malinis at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at regular na paglilinis ng paligid.

Ang aktibidad na ito ay kaagapay sa adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na turuan ang mamamayan na pangalagaan ang kalikasan at magkaisa sa pagpapaunlad ng lipunan tungo sa Bagong Pilipinas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles