Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa mga pampublikong lugar ng lungsod nito lamang Lunes, ika-20 ng Pebrero 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.
Nagwalis at tinanggal ang mga basura na nakatambak sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng anumang uri ng sakit.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.