Muling nagsagawa ng Clean-up Drive at Vegetation Control ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa Mac Arthur Highway, Brgy. San Rafael, Tarlac City nito lamang Miyerkules, ika-7 ng Pebrero 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office.
Nagwalis at tinanggal ang mga malalaking damo sa gilid ng kalsada ng naturang lungsod.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy na maghahatid ng serbisyo upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.