Matagumpay na ginanap ang Civic Military Parade and Program bilang pagdiriwang sa 58th Mountain Province Founding Anniversary sa Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-7 ng Abril 2025.
Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga iba’t-ibang uniformed personnel, mga elected officials ng lalawigan at munisipalidad, mga empleyado mula sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), mga yunit ng lokal na pamahalaan, akademya, at iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs).

Sa nasabing programa, ang mga nakasisiglang mensahe ay inihatid ng mga kilalang tao, kabilang sina Senador Francis Tolentino, Eng. Jimmy S. Santiago, Director IV ng Internal Affairs Office sa Office of the President, at Mountain Province House Representative Maximo Dalog, Jr., at iba pang lokal na opisyal.
Binigyang-diin ng kanilang mga talumpati ang kahalagahan ng paggalang sa mayamang tradisyon ng lalawigan habang nagsusumikap para sa pag-unlad.
Ang kaganapan ay nagsilbing plataporma para sa pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng iba’t ibang sektor na binibigyang diin ang pagkakaisa at kooperasyon.
