Nagsagawa ng Spot Inspection ang City Treasury Office (CTO) sa bawat Gas Station sa San Fernando City, La Union nitong Miyerkules, Hunyo 8, 2022.
Ayon sa City Treasury Office, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay kanilang maiging sinisiyasat ang kalibrasyon ng mga kagamitan tulad na lamang ng calibration buckets upang tiyakin na tama ang sukat ng petrolyong binibenta sa mga mamimili.
Dagdag pa ng City Treasury Office, magkakaroon ng regular na inspeksyon bawat quarter sa mga gasolinahan upang masiguro na sa kabila ng pagtaas ng presyo ng gas at diesel, naaayon pa rin ang halaga ng kanilang binayaran sa kanilang binili.
Ipagpapatuloy nila ang kanilang nasimulan upang maprotektahan ng City Government ang mga karapatan ng mga mamimili at ng mga motorista sa bayan ng San Fernando City, La Union.
Source: City Government of San Fernando, La Union