19.4 C
Baguio City
Saturday, October 26, 2024
spot_img

City of Batac Division, ipinakita ang pagkakaisa sa R1AA Meet Opening Ceremonies

Ilocos Norte – Ang Pamahalaang Lungsod ng Batac ay ipinakita ang pagkakaisa sa 2023 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet opening ceremonies na ginanap sa San Carlos City, Pangasinan nito lamang ika-14 ng Mayo 2023.

Ayon kay Hon. Bismark Angelo Quidang, SBM ng nasabing lugar, bawat delegasyon ay nagpakita ng gilas sa buong opening parade sa pangangasiwa ni Anselmo Aludino, Schools Division Superintendent.

Kasama sa delegasyon sina Bismark Angelo Quidang, Kichel Jomarie Pungtilan, Joel Garcia, Violeta Nalupta, Avelard Ibarra Crisostomo, Christopher Lagmay at Lucky Rene Bunye at James Saclayan na nakiisa sa opening ceremonies.

Ayon pa kay Hon. Quidang, ang 2023 R1AA Meet, na pinangungunahan ngayong taon ng Schools Division ng San Carlos City, Pangasinan, ay nagtakda ng isang magandang lugar na lalong naging masigla sa mga seremonya sa pagpapakita ng iba’t ibang karakter at kasuotan ng bawat delegasyon.

Binibigyang-diin ng kanilang pagdalo ang kahalagahan ng hindi natitinag na pangako ng pamahalaang lungsod sa pagsuporta sa mga batang atleta nito.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles