15.9 C
Baguio City
Friday, October 25, 2024
spot_img

CHRMO, nagsagawa ng ISO 9001:2015 Quality Management System Awareness Training

Nagsagawa ang City Human Resource Management Office o CHRMO sa ilalim ng direksiyon ni CGDH-I Dr. Emielou Gellado katuwang ang NEO AMCA Innovative Solutions, Incorporated ng ISO 9001:2015 Quality Management System Awareness Training para sa mga bagong empleyado ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos, Pangasinan nito lamang ika-16 ng Mayo 2023.

Layunin nito na magkaroon ng kamalayan ang mga kawani tungkol sa iba’t ibang purpose at benefits ng QMS at upang madagdagan at mapahusay ang kaalaman nila para sa pagpapabuti ng kalidad ng serbisyo at mapataas ang customer satisfaction.

Dumalo din sa nasabing training si Executive Assistant II, Mr. Hecson Lee De Vera, upang ipaabot ang mensahe ni City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera para sa mga kawani.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Lungsod ng Alaminos, Pangasinan na patuloy nilang pagbubutihin ang kanilang trabaho upang maihatid ng tama ang serbisyo na nararapat para sa kanilang nasasakupan.

Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles