21.8 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Chinese at Taiwanese Investors, nagpakita ng interes sa pagpapatayo ng negosyo sa Cagayan

Bumisita at nakipagpulong ang grupo ng Chinese at Taiwanese investors kay Gob. Manuel N Mamba upang talakayin ang kanilang mga plano sa paglalagay ng mga pasilidad sa lalawigan nito lamang ika-17 ng Enero 2025.

Pinangunahan ng mga investor ang pakikipagpulong kasama si Gob. Mamba at ang mga department head ng Kapitolyo ng Cagayan, katuwang sina Engr. Arsenio Antonio, OIC Provincial Agriculturist, at iba pang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ang nasaturang aktibidad.

Layunin ng pulong na ipakita ang mga plano para sa pagtatayo ng cold storage, ice plant, at solar farming. Kasama rin sa aktibidad ang pagbisita sa mga pangunahing fish port sa Claveria at Sta. Ana upang suriin ang potensyal na lugar para sa proyekto. Ang koordinasyon sa mga investor ay naisakatuparan sa tulong ni Ret. Gen. Edgar Aglipay, na may malawak na koneksyon sa malalaking negosyo.

Bukod dito layunin ng proyekto na bigyan ng solusyon ang mga kinakaharap na hamon ng mga mangingisdang Cagayano, partikular ang kawalan ng pasilidad para sa sapat na imbakan ng mga nahuhuling isda. Sa pamamagitan ng cold storage at ice plant, inaasahang maiiwasan ang mabilis na pagkasira ng mga isda, makakadagdag ng kita, at mapapataas ang produksyon sa sektor ng pangingisda.

Samantala, patuloy na pinagtutuunan ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasiya ng administrasyon na bigyan ng mas maayos na kabuhayan ang mga residente at siguruhin ang pangmatagalang pag-unlad ng probinsiya.

Source:Cagayan Valley PIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles