18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Child laborers, tumanggap ng tulong mula sa DOLE sa Ilocos Region

Tumanggap ng tulong ang mga Child Laborers mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 1, noong Hunyo 12, 2022.

Sa ilalim ng programang Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ay tinungo ng mga tauhan ng DOLE ang mga liblib na lugar upang mamahagi ng tulong at pag-asa sa mga kabataang kabilang sa profile na child laborers sa Rehiyon.

“As we join the global community in the observance of the World Day Against Child Labor this June 12, we at DOLE RO1 emphasize our efforts to prevent and eliminate child labor in the region,” mensahe ni Regional Director Atty. Evelyn Ramos.

Noong 2021, ang DOLE RO1 ay nakapagprofile ng kabuuang bilang na 8, 329 Child Laborers (CLs).

Binigyang-diin ni RD, Atty. Ramos na sa kabila ng bilang ng kabataang manggagawa sa rehiyon, ang mga datos na ito ay magbibigay daan para magkaroon ng stratehiya at pagsisikap sa tulong ng lahat ng stakeholders upang wakasan ang mga paglabag sa karapatan ng kabataan.

Ayon kay RD, Atty. Ramos, karamihan sa mga naka-profile na child laborer ay mula sa Pangasinan na may bilang na 4,692; gayundin ang La Union na nagtala ng 1,076; habang ang Ilocos Sur at Ilocos Norte naman ay may bilang na 1,278 at 1,283, ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing programa ay nangangailangan ng 60 araw para sa pagprofile. Matapos nito ay dapat na mai-refer ang mga bata na ito sa mga nauugnay na ahensya para sa naaangkop na tulong at interbensyon sa pamamagitan ng DOLE RO1.

Sa kasalukuyan, mayroong walong tauhan ang DOLE sa rehiyon na tinatawag na Community Facilitators, na siyang direktang nagtatrabaho sa komunidad upang maiwasan at maalis ang child labor sa mga Rehiyon.

Source: https://ro1.dole.gov.ph/news/in-ilocos-dole-reaches-far-and-wide-to-bring-hope-to-child-laborers/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles