Opisyal nang nagsimula ang christmas vibes sa Dagupan City, Pangasinan nito lamang ika-7 ng Disyembre 2023 sa isinagawang seremonya ng sabay-sabay na pagpapailaw ng dalawang tradisyonal na Christmas Tree – ang Christmas tree ng lungsod sa harap ng City Museum at isa pang Christmas Tree na matatagpuan sa Rotonda sa kahabaan ng Judge Jose de Venecia highway, at ang pagsindi sa paborito ng mga tao na mga christmas lights at decors na matatagpuan sa Quintos bridge at Magsaysay bridge.
Ang Christmas Lighting Ceremony ay sinundan ng pagbubukas ng Paseo de Belen sa River Grove de Venecia Highway at pawang bahagi ng selebrasyon ng Dagupan City Fiesta 2023.
Sinabi ni Hon Belen Fernandez, Mayor ng Dagupan City, na ang seremonya ay isang paalala sa tunay na kahulugan ng Pasko na nagbibigay ng pag-asa para sa bago at mas maliwanag na kinabukasan dahil sa pagsilang ni Hesukristo.
Nagtanghal din sa nasabing aktibidad ang mga mag-aaral ng Dagupan City National High School (DCNHS) Drum and Lyre, DCNHS Dance Group at ang Universidad de Dagupan Koro Dagupeño.
Source: Dagupan City Information Office
Panulat ni Warbani