16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Centenarian sa La Union, nakatanggap ng Php100K cash incentive mula sa gobyerno

Isang Centenarian na naninirahan sa Agoo, La Union ang nakatanggap ng cash incentive na nagkakahalaga ng Php100,000 mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO1).

Bagamat nakaratay na sa kama ay lubos ang pasasalamat ng nabanggit na Centenarian sa kanyang natanggap na insentibo mula sa ating pamahalaan lalong lalo na sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Agoo dahil sa pagtulong sa kanya para maproseso ang kanyang natanggap na regalo mula sa gobyerno. Dagdag pa nito, ang sikreto sa mahabang buhay ay ang walang bisyo at pagkain ng masusustansyang gulay.

Isa lamang siya sa mga Centenarians na kabilang sa mga Pilipinong nasa Pilipinas man o ibang bansa na nabigyan ng pagkilala sa natatanging kontribusyon sa lipunan na nabigyan ng insentibo mula sa Pambansa at Lokal na pamahalaan.

Ito ay naaayon sa Batas Republika Bilang 10868 o ang Centenarians Act.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles