Nakatanggap ng cash incentive mula sa Department of Social Welfare and Developmant ang isang centenarian sa Barangay Carlos, Mexico, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-26 ng Hunyo 2024.
Personal na inihatid ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales ang cash incentive na nagkakahalaga ng Php100,000 kasama sina Ms. Sharmaine Pabustan-Sigua, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) at Mr. Fernando Vital, Head Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Ang benepisyaryo ay nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan noong ika-29 ng Abril, na tumanggap ng insentibo bilang bahagi ng benepisyo at pribilehiyo na ibinibigay sa mga Filipino centenarians alinsunod sa Republic Act 10868.
Laking pasalamat naman ni Mayor Ruding Gonzales sa DSWD Region III sa pamumuno ni Regional Director Venus F. Rebuldela at Regional Social Pension Unit (RSPU) Mr. Jasper P. Nicolas sa kanilang patuloy na suporta at pagtulong sa mga senior citizens ng bayan.