20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

CENRO, narekober ang mga abandonadong Pine Lumbers sa Bauko, Mt. Province

Narekober ng Community Environment and Natural Resources Office ang mga abandonadong Pine Lumbers sa Bagnen Proper, Bauko, Mt. Province bandang 5:20 ng hapon nito lamang Agosto 3, 2022.

Katuwang ng CENRO ang 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company sa pagpapatupad ng PD 705 (Illegal Logging).

Ang nasabing grupo ay nagtungo sa nasabing lugar upang alamin kung mayroong nangyayaring mga illegal logging ngunit ang kanilang nadatnan ay ang mga nakatambak na Sawn Pine Lumbers.

Agad naman nila itong kinumpiska at dinala sa opisina ng CENRO para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Panawagan naman ng CENRO na tigilan ang pagsasagawa ng illegal logging dahil ito ay makakaapekto ng masama sa kalikasan at kung sino man ang mahuling lumalabag ay may karampatang parusa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles