23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Cebu-Baguio-Cebu Commercial Flight; pinasinayaan sa Baguio Loakan Airport

Isang kultural na pagtatanghal kasabay nang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa paglapag ng kauna-unahang commercial flight ng Philippine Airlines mula sa Cebu-Mactan International Airport sa muling pagbubukas ng Baguio Loakan Airport nito lamang Disyembre 16, 2022.

Sa pormal na inagurasyon ng Baguio Loakan Airport, 84 na pasahero mula Cebu Mactan International Airport lulan ng PR C5903 ng PAL at 70 pasaheros naman ang inilipad nito mula Baguio Loakan Airport patungo sa Cebu bandang 11:10 ng umaga.

Ang Baguio-Cebu service flight ay magsisilbing direktang koneksyon sa pagitan ng Northern Luzon at Visayas upang pasiglahin ang aktibidad ng ekonomiya at turismo kung saan mapapadali ang pag-access ng mga negosyante, turista at mga residente.

Dagdag pa rito, ang PAL ay gagamit ng Q-400 bombardier aircraft na may 85 seating capacity na may apat na naka-schedule ng Baguio-Cebu and vise versa flight kada linggo.

Ang PR 2230 Cebu-Baguio ay naka-schedule na lilipad bandang 8:50 AM tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo sa Mactan Cebu at inaasahang lalapag sa Baguio Loakan Airport bandang 10:50 ng umaga habang ang PR 2231 Baguio-Cebu ay lilipad naman ng 11:10 AM tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo at inaasahang makakarating sa Cebu Mactan International Airport ng 01:00 ng hapon.

Samantala, malugod na sinalubong ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong ang mga espesyal na panauhin na sina Cebu City Mayor Atty. Michael L. Rama, DOT Undersecretary Mae Elaine T. Bathan kasama ang mga kinatawan ng Philippine Airlines executives sa pangunguna ni Chief Operations Officer Capt. Stanley Ng.

“Narito na tayo at sa wakas ay bukas ang Loakan para sa mga komersyal na flight upang matulungan tayo sa ating pagbangon ng ekonomiya sa mga tuntunin ng pagdating ng mga turista”, saad ni Mayor Magalong.

Source: Baguio City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles