14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Cash Incentives, ibinahagi sa mga Capitol Scholars

Masayang ibinahagi ng Pamahalaan ng Pampanga ang cash incentives sa napiling Capitol Scholars ng probinsya na ginanap sa Gym ng Guagua National Colleges, Guagua, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-3 ng Abril 2024.

Pinangunahan nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab, at Guagua Mayor Anthony Joseph Torres ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo.

Aabot sa 1,555 iskolars ang nakatanggap ng apat na libong piso (Php4,000) sa tulong ng Educational Financial Assistance Program (EFAP).

Lubos ang pasasalamat ng mga estudyante sa programa ng Kapitolyo na layong pahalagahan ang edukasyon ng bawat kabataang Kapampangan.

Ang ating pamahalaan ay patuloy na nagbibigay ng serbisyo at nakikibahagi sa iba’t ibang programa, partikular na sa sektor ng Edukasyon, upang tiyakin na ang lahat ng kabataan ay may karapatang makapag-aral at makatanggap ng de-kalidad na edukasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles