Matagumpay na naisagawa ang Cash-for-Training ng Project LAWA at BINHI para sa 100 katuwang na mga benepisyaryo sa Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang ika-14 ng Mayo 2025.
Naging posible at mas makabuluhan ang aktibidad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Technical Working Group (TWG) mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), gayundin ang TWG ng lokal na pamahalaan ng Zaragoza na pinangunahan naman ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Agriculture Office (MAO).
Sa loob ng 20 araw, sasailalim ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang pagsasanay at aktibidad na inaasahang magbibigay ng sapat na kaalaman at kakayahan upang maging mas matatag sa panahon ng sakuna at krisis sa klima.
Ang nasabing programa ay bahagi ng mga inisyatibang tumutugon sa climate resilience at inclusive development sa mga rural na komunidad.
Layon nitong palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok upang mas epektibong makapaghanda sa mga hamon ng pabago-bagong klima at mga sakuna.
