Nakatanggap ang isang dating rebelde ng cash assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa tulong ng 77th Infantry Division, Philippine Army nitong Hulyo 19, 2022.
Ibinigay ng Provincial Social Welfare Development Office of Cagayan (PSWDO) ang Php20,000 cash assistance kay Alyas John-John bilang tulong sa kanyang pagbabagong-buhay.
“Nagpapasalamat na rin ako sa ating gobyerno at sa kasundaluhan ng 77IB sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Magtangol Panopio na tumulong sa akin para makatanggap ng karagdagang tulong para sa aking pagbabagong-buhay,” ani Alyas John-John.
Samantala, hinikayat naman ni LtCol Panopio ang iba pang mga natitirang miyembro ng Communist Terrorist Groups na sumuko na, mamuhay ng tahimik kasama ng kanilang mga pamilya, at maging benipisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.
Source: 5th Infantry Division, Philippine Army