Naipamahagi sa mga mamamayan ng Tarlac ang cash assistance mula sa butihing senador na si Senator Bong-Go nito lamang ika-15 ng Hunyo 2022.
Sa mahusay na pakikipag-ugnayan ni Mayor Cristy Angeles kay Sen. Bong Go, naibahagi ang Livelihood Assistance Grant (LAG) sa 3,000 na benepisyaryo kung saan nakatanggap sila ng Php5,000 bawat isa.
Sa tulong ng senador, ay naipamahagi ang Php5,000,000 para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program noong 2021, Php45,000,000 para sa Livelihood Assistance Grant (LAG) Program at tulong medikal upang maoperahan o mapagamot sina Leonarda Bais at Rodolfo Calma.
Tunay nga na hindi matatawaran ang dedikasyon ni Senator Bong Go sa pagsisilbi sa taumbayan mula sa pag-akda ng kabi-kabilang mga batas para sa karagdagang benepisyo para sa ating mga health workers, government employees at masang Pilipino tulad na lamang ng Republic Act (RA) 11712 na nagbibigay ng patuloy na mga benepisyo at allowance sa mga public and private health care workers sa panahon ng public health emergency, RA 11466 o ang Salary Standardization Law V, na nagbibigay sa mga civilian government employees, kabilang ang mga nurses, ng mga pagtaas ng suweldo na pinaghiwa-hiwalay sa mga tranches, at RA 11463, o ang Malasakit Centers Act, na binibigyan ang mga indigent na pasyente ng convenient access sa mga programang tulong medikal mula sa mga concerned agencies.
Labis na pinasalamatang ng mga Tarlakenyo ang senador. Magpapatuloy ang pamamahagi ng Livelihood Assistance Grant sa 6,000 beneficiaries sa mga susunod na araw.