Naghandog ng Cash Assistance at Vitamin C Supplements ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga Bedriddens at Senior Citizens ng Angeles City nito lamang Lunes, ika-13 ng Enero 2025.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Tumanggap ng P3,000 cash assistance at Vitamin C Supplements ang mga benepisyaryo.
Ayon kay Mayor Lazatin, tuloy-tuloy ang kanilang programang nasimulan para sa mga senior citizens.