23.9 C
Baguio City
Thursday, March 6, 2025
spot_img

Cash Assistance at Libreng Vitamin C ng Pamahalaang Panlalawigan ng Angeles City, muling umarangkada

Muling umarangkada ang pamamahagi ng Cash Assistance at Vitamin C Supplements na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Angeles City para sa mga Bedridden at Senior Citizens sa Barangay Cutcut, Angeles Pampanga nito lamang Lunes ika-3 ng Marso 2025.

Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Mayor ng Angeles, katuwang ang mga kawani ng Office for the Senior Citizens Affairs (OSCA) at mga barangay council.

Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng ₱3,000 na pinansyal na tulong at Vitamin C supplements.

Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng suporta sa kalusugan at kabuhayan ng mga bedridden na nakatatanda sa Pampanga, upang maibsan ang kanilang mga pangangailangan at maipadama ang malasakit ng pamahalaan sa kanilang kalagayan, alinsunod sa prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles