Ipinamahagi ang tulong pinansyal at bigas sa pamamagitan ng house-to-house distribution sa 127 na indibidwal na may kapansanan mula sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nito lamang Pebrero 12, 2025.
Pinangunahan ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr, katuwang ang Persons with Disabilities Affairs Office, sa pangunguna ni Ryan David, ang pamamahagi ng ayuda.
Labis na ipinagpasalamat ng mga benepisyaryo ang kanilang natanggap na tulong.
Sa kabuuan, nasa 2,500 na Angeleñong may kapansanan ang makatatanggap ng P1,000.00 na ayuda at limang kilo ng bigas mula sa pamahalaang lungsod.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles sa pagtulong at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga PWDs upang matulungan sa kanilang pangkabuhayan.