Nagsagawa ang Mangaldan Lions Club 301-C ng kanilang kauna-unahang public service activity na “Care for Kids” sa Barangay Malabago, Calasiao, Pangasinan nito lamang ika-17 ng Agosto 2024.
Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa bumubuo ng Mangaldan Lions Club na pinamumunuan ni Atty. Dane Rainier M. Estepa sa libreng serbisyong-medikal, supplemental feeding, vitamins at iba pang gamot, school supplies, at nutrition awareness talks sa halos animnapung estudyante mula sa Malabago Elementary School.
Naging katuwang din ng Mangaldan Lions Club sa pagbibigay-serbisyo ang barangay council ng Malabago sa pamumuno ni Punong Barangay (PB) Myla L. Muyargas, Malabago Elementary School, at MAED Pharma Corporation, isang pharmaceutical company na nakabase sa Parañaque, Manila.
Bukod dito, dumalo rin ang ilang kinatawan ng Municipal Health Office (MHO) upang umantabay sa mga medical personnel sa nasabing outreach program.