Hindi bababa sa 540 mag-aaral ng Nabannagan National High School ang dumalo sa isinagawang Campus Peace Symposium kamakailan ng Youth for Peace (YFP) Lasam Chapter at Charlie Company ng 17th Infantry Battalion sa Lasam, Cagayan.
Sa aktibidad ay iba’t ibang paksa ang naibahagi ng mga tagapagsalita mula sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at YFP.
Samantala sa diskusyon ni Rey G. Addatu, Assistant Regional Director ng NICA Region 2, ibinahagi niya ang “7 Stages of Deceptive Recruitment of Communist Terrorist Group” sa mga mag-aaral upang malaman nila ang mga istratehiya at ginagawa ng mga miyembro ng teroristang grupo sa pagrerekrut sa mga kabataan at maging bahagi ng kanilang maling adbokasiya.
“As a student, we must make a stand to stop this useless, pointless, deceptive, criminal and terroristic insurgency of left lining organizations and CPP-NPA-NDF that has no purpose, but to ruin our dreams and tomorrow by destroying our families,” ani John Carlo Manzano, ang presidente ng YFP Cagayan.
“Gumawa tayo ng mga hakbang upang makatulong sa pagsugpo ng insurhensiya tulad ng pagdalo ng mga symposium and to cooperate and engage with activities that promotes peace and development,” dagdag nito.
Source PIA Region 2