18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Camp Paraiso Resort, tinaguriang “Bali of Nueva Ecija”

Kilala ang Camp Paraiso sa bayan ng Bongabon bilang “Bali of Nueva Ecija” dahil sa napakagandang tanawin na animo’y nasa Balesin ka.

Tanyag ito hindi lamang sa mga lokal kundi pati na rin sa mga turista mula sa iba’t ibang lugar.

Handog ng resort ang iba’t ibang mga aktibidad katulad ng trekking, swimming, glamping, yoga, stargazing, forest bathing, waterfalls chasing, river trekking at maging ang bonfire.

Mayroon itong tatlong man-made infinity pool na dinadaluyan ng tubig mula sa bundok ng Aurora kung saan pwedeng maligo. Maaari ring akyatin at bisitahin ang virgin forest sa Mt. Labi.

At bilang pakikiisa sa tuwing ipinagdiriwang ang buwan ng pag-ibig, inilunsad din ng Camp Paraiso ang Lover’s Lagoon. Layunin nito na mas maging memorable ang pagbisita roon ng mga magkasintahan.

Sa halagang Php1,500.00 ay maaari nang maranasan ang dream dinner date ninyo.

Gayunpaman, mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsunod sa mga health protocols sa bayan ng Bongabon.

Ayon sa pamahalaang bayan ng Bongabon, ang mga turista ay kinakailangan na makapagpresinta ng vaccination card, at makakuha ng Tourist Pass tatlong araw bago bumiyahe papunta doon.

Matatagpuan ang tourist pass pre-registration sa Facebook page ng Turismo Bongabueno.

Source: https://web.facebook.com/ne.tv48/photos/a.274706852606962/4705274996216770/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles