21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Cagayan’s Best: Pancit Batil Patung

Isa sa ipinagmamalaki ng probinsya ng Cagayan ay ang kanilang Pancit Batil Patung.

Saan mang sulok ng probinsya, lalo na sa kabisera nito-ang siyudad ng Tuguegarao ay kabi-kabilaan ang pansitan na nagbebenta nito.

Ang mga pangunahing sangkap sa katakam-takam na pagkaing ito ay ang pansit miki ng Tuguegarao, karne ng kalabaw, toge at iba pang gulay, at pinatungan ng lechon o chicharon at itlog.

Kasama ng pancit ay isang mainit na sabaw na gawa sa binatil na itlog.

Mas maeenjoy ang binabalik-balikang pancit kapag sinamahan ng pinaghalong sibuyas, toyo, suka, at sili.

Kaya kung ikaw ay natatakam na, pasyalan na ang probinsya ng Cagayan at tikman ang ipinagmamalaki ng bawat Cagayano na Pancit “Batil Patung”.

Sa Kamaynilaan, makikita na din ang specialty na ito na may iba’t ibang patung.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles