Tagumpay na naiuwi ng tinaguriang Karate Kid ng Tuguegarao City ang kampeonato sa katatapos lamang na 1st Asia Tournament at 20th National Full Contact Karate Tournament na ginanap sa Antipolo City Sports Hub nitong Mayo 25, 2025.
Tubong Linao Norte, Tuguegarao City si Alexa Quilang at isang incoming Junior High School Student.
Nagsimula ang Karate Journey ni Alexa taong 2022 sa pagsali niya sa Kyukoshinryu Tuguegarao Dojo. At dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa training ay nakapag-uwi na siya ng iba’t ibang medalya sa mga kompetisyong kanyang sinasalihan.
Kabilang sa kanyang mga medalya ang 10 Championship trophies at isang bronze medal na nakuha sa Kumite o sparing, habang 1 gold medal, 2 silver medals, at 1 bronze medal sa Kata.
Maliban sa Karate, isa ring Junior Blackbelter Belt of Philippine Taekwondo Academy sa ilalim ng Strikers Taekwondo Academy si Alexa kung saan siya lumalahok sa iba’t ibang invitational tournaments.
Plano ni Alexa na mas lalo pang pagbutihin ang kanyang pagsasanay upang makapagbigay ng karangalan sa kanyang lalawigan.
Source: Cagayan Provincial Information Office