16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Buwelta sa Komunistang Terorista: Ika-49th na taon ng NDF binuwltahan ng protesta sa probinsya ng Laguna

Cabuyao City, April 24, 2022 – Nagsagawa ng kilos protesta laban sa teroristang grupo na CPP-NPA-NDF, ang mga iba’t ibang grupo mula sa mga iba’t ibang sektor sa pangunguna ng sentor ng alyansang mamamayan para sa bayan o sambayanan – Southern Tagalog sa Lungsod ng Cabuyao.

Dinaluhan ito ng may 30 ka tao mula sa mga iba’t ibang grupo gaya ng hugpong obrero, Sambayanan Youth of the Philippines (SYP), Samahan ng Mahihirap para sa Kapayapaan ng Bayan (SAMAKA BAYAN), nagkaisang transport at ng mga dating cadre at rebelde na nag balik loob sa pamahalaan; na kung saan ang nasabing pagkilos ay buwelta ito at tanda ng pakikipaglaban ng mga mamamayan kasama ang pamahalaan laban sa mga panlilinlang, rekrutment ng National Democratic Front (NDF) at mga karahasan, extortion at terorismo na gawain ng Communist Party of the Philippines (CPP) at nang New People’s Army (NPA).

Ayon kay Ka Rico Cordero, dating organisador ng Naflu-KMU at kasalukuyang tagapagsalita ng Sambayanan-Southern Tagalog sa 49 na taon ng pamamayagpag ng NDF dito sa bansa ay puro ito panlilinlang at pangrerekrut sa mga mamamayan lalo na sa manggagawa, kabataan at estudyante na para maging kasapi ng partido at NPA na nagresulta sa karahasan at pagkasayang ng mga buhay nito.

Ibinahagi naman ni Ka Ace, dating manggagawa ng Coca-Cola Sta. Rosa, dating kasapi at organisador ng Pamantik KMU at naging kasapi din ng NPA sa Melito Glor Command; na sa pamamagitan ng mga prenteng organisasyon ng mga nasabing teroristang grupo ay nagrerekrut ito patungo sa Revolutionary Council of Trade Union (RCTU) isang underground mass organization ng CPP-NPA-NDF at dito sinasanay ang mga manggagawa para maging kasapi ng partido at maging NPA; at ganun din sa ibang sektor.

Dagdag pa ni Cordero, ang nasabing pagkilos ay isa itong makasaysayan sapagkat itinatakwil na ng buong sambayanang pilipino ang CPP-NPA-NDF nang mawakasan na ang mga karahasan at terorismo na dulot nito.

kabahagi ng pagkilos na isinagawa ay ang paghingi ng hustisya para kay Elvin Alzaga, volunteer ng Sambayanan-Bicol at dating rebelde na pinaslang ng mga kasapi ng NPA noong nakaraang Biyernes Santo, Abril 15, 2022 sa Brgy. Guinlajon, West District, Sorsogon City.

Ipinapanawagan din ng nasabing grupo ang pagsusulong at pagpapatibay sa mga usaping lokal na pangkapayapaan at Barangay Development Program sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.

Reference:

RICO CORDERO

SAMBAYANAN-ST SPOKESPERSON

09705678360

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles