Tumagilid ang isang pampasaherong bus matapos mawalan ng preno sa Km. 24 Halsema Highway, Brgy. Caliking, Atok, Benguet nito lamang ika-17 ng Oktubre 2022.
Ang driver ay kinilalang si Edgar Panonot Tabcao, 34 anyos.
Ayon sa awtoridad, binabaybay ng bus ang kahabaan ng daan at pagkarating sa nasabing lugar ay nawalan ng preno dahilan na binangga ng driver ang kaliwang bahagi ng bundok na naging dahilan ng pagtagilid nito.
Apat sa 27 pasahero ang lubhang nasaktan na kinilala na sina Marilyn Pekdasen, 62; Summer Faith Ternate Doguines, 26: Sherwin Pat-ogan, 40: at isang menor-de-edad.