Isa sa mga mga pinagmamalaki ng mga Cagayano ay ang Buntun Bridge na matatagpuan sa Tuguegarao City, Cagayan.
Ang Buntun Bridge sa Cagayan ay kilala rin sa tawag na Talletay Ta Buntun na masasabing pinakamahabang river bridge sa Pilipinas, ito ay may haba na 1369 meters na nagdurugtong sa lungsod ng Tuguegarao, sa mga bayan ng Solana, Enrile sa Cagayan at sa mga lalawigan ng Kalinga at Apayao.
Ang konstruksiyon ng naturang tulay ay dumaan sa tatlong administrasyon ng mga pangulo ng bansa. Ito ay ang mga administrasyon nina Pangulong Carlos Garcia, Pangulong Diosdado Macapagal at Pangulong Ferdinand Marcos.
Magpahanggang sa ngayon, ang nasabing tulay ay tinuturing na isa sa pinakasikat na landmark sa lalawigan ng Cagayan.
Ang tulay ay bumabaybay sa Ilog Cagayan, ang pinakamalaki at pinakamahabang ilog sa bansa.
Dagdag kaalaman, sinasabing isang popular na paniniwala na ang haba ng Buntun bridge ay sapat na para awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas habang binabaybay ang kahabaan ng tulay.
Source: Wikipedia