13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

BUHAYNihan o Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan CFW for PWDs, isinagawa ng DSWD Field Office 1

Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ng BUHAYnihan: National Simultaneous Ceremonial Payout ng Programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services – Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash for Work for Persons With Disabilities (KALAHI-CIDSS KKB-CFW for PWDs) sa unang sampung siyudad at munisipalidad sa Rehiyon 1.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni DSWD Field Office 1, Regional Director Marie Angela S. Gopalan at Assistant Regional Director for Operations na si Marlene Febes D. Peralta.

Ayon sa DSWD Field Office 1, ang unang sampung siyudad at munisipalidad na nakatanggap ng (KALAHI-CIDSS KKB-CFW for PWDs) ay ang Alaminos, Urdaneta, Dagupan, at San Fabian sa Pangasinan; San Fernando City, La Union, Bauang, Candon, Tagudin naman sa Ilocos Sur; Laoag City, at Batac naman sa Ilocos Norte.

Ayon pa sa DSWD Field Office 1, mahigit 12,000 na PWDs na mabebenepisyuhan sa nasabing aktibidad. Ang BUHAYNihan o Buhay at Bayanihan para sa Mamamayan CFW for PWDs ay isang paraan ng ahensya at ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang matugunan ang mga pangangailangan ng sector ng PWDs sa ating bansa.

Bukod pa dito, nabibigyan ng pagtingin at halaga ang mga kakayahan, karapatan at ambag ng mga PWDs sa ating lipunan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles