15.3 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

BSKE 2023 sa Cordillera, naging mapayapa

Inanunsyo ng Police Regional Office Cordillera Regional Director na naging mapayapa ang botohan sa katatapos lamang na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Region ng Cordillera nito lamang Oktubre 30, 2023.

Sa press conference sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet sinabi ni Police Brigadier General David K Peredo, Jr. Regional Director, PRO Cordillera, na walong insidente lamang ang binabantayan sa rehiyon; limang insidente ang na-validate na may kinalaman sa halalan, isa ay hindi nauugnay sa halalan, at dalawa naman ang for validation.

Karamihan sa mga insidente ay nangyari sa probinsya ng Abra.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si PBGen Peredo sa mga mamamayan ng Cordillera sa kanilang kooperasyon para sa matagumpay, mapayapa, at ligtas na halalan.

Nagpasalamat din si RD Peredo sa COMELEC, DepEd, AFP, media at iba pang ahensyang katuwang sa kanilang pagsisikap para sa matagumpay na BSKE 2023.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles