17.6 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

Brand New Toyota Hilux Pick-up Patrol Car, natanggap ng Sta. Maria PNP

Nitong nakaraang Linggo ay pormal na tinanggap nina Police Colonel Marlo Aquino, Provincial Director ng Ilocos Sur Police Provincial Office at Police Captain Joel Dasargo, Hepe ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang isang Brand Bew Toyota Hilux Pick-up Patrol Car mula sa Lokal na Pamahalaan ng Sta. Maria, Ilocos Sur.

Ang Turnover Ceremony ng bagong Patrol Car ay pinangunahan ni Mayor Brigido “Boy” Camarillo kasama ang mga kawani ng LGU-Sta. Maria, Ilocos Sur.

Sa mensahe ng butihing Mayor ay kanyang ipinahayag ang taos-pusong suporta ng Office of the Municipal Mayor sa alinmang programa ng mga kapulisan ng Sta. Maria basta para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Labis naman ang galak, tuwa at pasasalamat ng Sta. Maria Municipal Police Station sa pamaskong handog na kanilang natanggap.

Isang taon na ang nakararaan ng sirain ng Bagyong Feria ang kanilang dating Patrol Car na kung saan kinakailangan pa nilang humiram ng Patrol Car sa ibang istasyon para may magamit.

Source: Now Na Sta. Maria Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles