13.9 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Bontoc LGU, nakabili ng dalawang Bagong Utility Vehicles

Matagumpay na nakabili ng dalawang bagong utility vehicles ang Bontoc Local Government Unit (LGU) noong ika-20 ng Mayo 2024.

Ang mga nasabing sasakyan ay isang 4×4 Boom Truck na may kapasidad na 3.2 tonelada na gagamitin ng mga tauhan ng Waterworks Office para sa maintenance at repair ng water infrastructure ng munisipyo, at isang 4×4 Dump Truck na may kapasidad na 6 cubic meters na gagamitin ng mga tauhan mula sa Office of the Municipal Environment and Natural Resources Officer para sa mahusay na koleksyon ng basura at pamamahala ng basura.

Pinangasiwaan naman ni Reverend Edwin Ayabo ng Cathedral of All Saints ang pagbabasbas ng mga nasabing sasakyan na ginanap sa Municipal Capitol grounds.

Dumalo sa pagbabasbas ng mga sasakyan ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Eusebio Kabluyen, mga Department Heads, at mga empleyado ng Bontoc LGU.

Binanggit ni Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr., na ang pagbili ng mga bagong sasakyang ito ay naaayon sa pangako ng LGU na gawing moderno ang mga kagamitan nito at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maaasahan at maayos na mga sasakyan upang mahusay na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng munisipyo.

Ang pagbili ng mga sasakyang ito ay makakatulong at makapagpapagaan sa problema ng basura lalo na sa paghakot ng mga tone-toneladang basura sa nasabing lugar.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles