19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Bomb Threat at Hostage taking Drill isinagawa sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya

Nagsagawa ng bomb threat at hostage taking drill ang Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO) sa Capitol Building, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Hunyo 9, 2022.

Pinangunahan ni Gobernador Carlos M. Padilla ang Incident Command post kung saan si Provincial Jail Warden Carmelo Andrada ang nagsilbing Incident Commander at tinulungan ng mga tauhan ng PDRRMO sa kabuuan ng drill.

Aktibong lumahok ang PDRRMO-Emergency Operations Center and Emergency Response Team sa isinagawang drill upang malaman ang kakulangan sa pagresponde at pangunahing gagawin ng mga kinauukulan tungo sa pagkamit ng zero casualty incident.

Nakiisa rin sa aktibidad ang Provincial General Services Office Security Force, Provincial Jail Guards, PNP-Special Weapons and Tactics PNP-Provincial Explosive and Canine Unit, Bureau of Fire Protection Nueva Vizcaya, PNP Forensic Unit, PNP Bayombong, 203rd Army Reserve Command, at Philippine Red Cross Nueva Vizcaya Chapter.

Sources: Nueva Vizcaya Provincial Government FB Page; Nueva Vizcaya DRRMO FB Page; PIA Nueva Vizcaya FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles