Matapang na tinanggap ng daan-daang Cycling Enthusiasts ang hamon sa isinagawang 43-kilometer Bodong Bike Festival Challenge na nagsimula sa Capitol ng Tabuk City hanggang sa Awichon Cultural Village sa Lubuagan nito lamang ika-11 ng Pebrero 2023.
Tinatayang nasa mahigit 300 bikers mula sa Rehiyon 1, 2 at Cordillera partikular na sa lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos, Nueva Vizcaya, Quirino, Cagayan, Isabela at Kalinga ang masayang nakilahok sa naturang aktibidad.
Ang aktibidad ay may pitong (7) Race categories: ang 16 years old and below; 17-25 years old; 26-39 years old; 40-49 years old; at 50 and above.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang lokal na turismo, pagkakaisa sa pagitan ng mga nasabing rehiyon, at para na rin maranasan ng mga kalahok ang maayos at maaliwalas na kapaligiran sa kahabaan ng kanilang ruta sa Upper Kalinga.