Napagkalooban ng Fisheries Production Input ang boat at fishpond owners sa lungsod ng San Fernando City, La Union sa pangunguna ng City Agriculture Office na ginanap sa City Food Terminal ng naturang lungsod.
Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kabilang sa mga naibahaging fingerlings ang iba pang fisheries production input na handog naman ng City Agriculture Office.
Nais ng aktibidad na maibsan ang pinagkakagastusan ng mga mangingisda sa kanilang produksyon.
Kasama sa nasabing distribusyon si City Administrator Col. Ramon F. Laudencia at mga kinatawan mula sa City Agriculture Office.
Makakakuha ang lahat ng mga rehistradong fishponds sa siyudad ng fingerlings habang ang mga naiulat na nasiraan ng bangka ngayong taon ang mga mabibigyan ng marine epoxy.
Samantala, patuloy naman ang Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad kung saan makikinabang ang kanilang mga nasasakupan upang mas guminhawa ang buhay.
Source: City Government of San Fernando, La Union