15.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Bloodletting Activity sa Cagayan dinumog ng mga Blood Donors

Isinagawa ang bloodletting activity sa Capitol Commissary, Capitol Main Building, Tuguegarao City, Cagayan sa pangunguna nina Dr. Carlos Cortina III, Provincial Health Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Dr. Rebecca C. Battung, Assistant Provincial Health Officer ng Provincial Health Office (PHO) at ilang miyembro ng Board of Directors ng Philippine Red Cross (PRC).

Lumagpas sa inaasahang bilang ng blood donors ng PHO at PRC Cagayan Chapter ang boluntaryong nagbigay ng dugo sa naganap na aktibidad.

Umabot sa kabuuang 103 ang mga nag-donate ng kanilang dugo sa naganap na “Bayanihan sa Tag-araw” 1st Quarter Capitol Bloodletting activity.

Ayon sa Provincial Blood Services coordinator karamihan sa kanila ay mga regular donors na mga empleyado ng Kapitolyo, miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP Region), Philippine Coast Guard District North Luzon, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ilang walk-in na mula sa pribadong kumpanya.

Layunin nitong makapagpaabot ng tulong at makapagdugtong ng buhay para sa mga Cagayano na nangangailangan ng dugo.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles