Nagkaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac at GMA Kapuso Foundation sa isinagawang Bloodletting Activity sa Kaisa Convention Hall, Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-10 ng Pebrero 2023.
Umabot sa 1,580 na blood bags ang nalikom mula sa mga voluntary donors mula sa iba’t ibang barangay ng naturang lungsod.
Ang aktibidad ay bahagi ng Sagip Buhay Bloodetting Project kung saan naglalayong mapalawak ang kamalayan ng mga mamamayan sa mga benepisyo ng pagdodonate ng dugo.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa paghahatid ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan na kanilang nasasakupan.