Nagsagawa ng bloodletting activity ang Dugong Alay, Dugtong Buhay Incorporated (DADBI) na ginanap sa Fort Magsaysay Covered Court, Palayan City, Nueva Ecija nito lamang Linggo, ika-11 ng Setyembre 2022.
Ito ay alinsunod sa Memorandum of Agreement na pinirmahan noong ika-29 ng Marso 2022.
Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Philippine Army, mga aplikante ng Phillipne Army, CAFGU Active Auxiliary, stakeholders at volunteers.
Tinatayang umabot sa 1,043 blood bags ang nalikom sa naturag aktibidad.
Ang nalikom na dugo ay gagamitin sa mga pasyente na nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay.