17.1 C
Baguio City
Wednesday, April 2, 2025
spot_img

Bloodletting Activity, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan

Matagumpay na nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Philippine Red Cross-Cagayan sa Commissary Building, Capitol Compound, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-19 ng Marso 2025.

Lumahok sa aktibidad ang mga kawani ng Provincial Government ng Cagayan, mga tauhan mula sa Philippine Coast Guard, at ilang walk-in donors na boluntaryong nagbigay ng dugo.

Sa datos na ibinahagi ng PHO, nakamit nila ang target na 50 successful blood donors, habang nasa 13 naman ang na-defer o pansamantalang hindi pinayagang makapag-donate dahil sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng mababang hemoglobin level, puyat, at iba pang medikal na kondisyon.

Ayon kay Rema Christina Guzman ng PHO, isang regular na blood donor sa mga bloodletting activity ng
PGC, malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging donor hindi lamang sa iba kun’di pati na rin sa kanyang sariling kalusugan.

Hinimok rin niya ang publiko na makiisa sa mga ganitong aktibidad upang makatulong sa pagsigurong may sapat na suplay ng dugo sa mga ospital at mas mapabuti rin ang kanilang pisikal na kondisyon.

Layunin ng programa na mapanatili ang sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangang pasyente sa lalawigan ng Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles